Michelle Larawan mula sa IG/Michelle Dy

Pangarap ng mga kelot kahit may bakod

May 22, 2024 People's Tonight 192 views

MULING pinaranas ng beauty content creator na si Michelle Dy ang paraiso na sa kanya lang malalasap.

Ibinida ng kilalang YouTuber sa kanyang Instagram ang katakam-takam nitong sex appeal sa mga larawang ibinahagi nang magtungo sa isang beach sa Krabi, Thailand.

Nasa dagat man si Michelle, biyaheng langit naman ang kanyang mga lalaking tagasubaybay sa mala-anghel na ganda ng bebot at mala-halimaw niyang hotness.

Maihahambing nga sa paraiso ang perpekto niyang hubog. Manlalaki ang mga mata ng kahit na sinong kelot na mapapatitig dito. May dalang nakakabaliw na karisma ang kanyang toned body at morena skin.

Breathtaking man ang ganda ng background sa mga larawan, pokus pa rin ang netizens kay Michelle na kabogera ang pag-awra sa suot na two-piece swimsuit.

Hanggang sa panaginip na lang ng mga barako ang pagnanasang maka-score sila sa body goals ng internet personality.

Todo-flex din kasi siya sa umano’y nobyo niyang AFAM na kasama niya sa ilang larawan sa post. Sey pa nga ni Michelle ay todo-support ito sa pagkuha ng kanyang mga larawan.

May bakod man o wala, hindi ito naging dahilan sa mga kalahi ni Adan para siya’y hangaan. Patuloy nilang ituturing na paraisong may magandang tanawin ang gaya ni Michelle.

Nag-apoy nga ang comment section ni Michelle. Maging ang kanyang mga kapwa influencer ay nawindang sa pagpapainit ng social media star.

AUTHOR PROFILE