Pangandaman

PANGANDAMAN NILABAS P1B ‘WaSH’ PONDO

June 23, 2024 People's Tonight 71 views

MASAYANG inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na aprubado at pirmado na ng kanyang opisina ang pagpapalabas ng higit-kumulang na P1 bilyong pondo para sa pagpapatayo, pagpapalawak at pag-upgrade ng mga proyektong water, sanitation at hygiene (WaSH) facilities sa mga kwalipikadong local government units (LGUs) sa buong bansa.

Ayon kay Pangandaman, nilagdaan niya na ang P1 bilyong halaga na Special Allotment Release Order at Notices of Cash Allocation na kukunin mula sa Local Government Support Fund–Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (LGSF-SAFPB) sa ilalim ng Fiscal Year 2024 General Appropriations Act o Republic Act No. 11975.

Paliwanag ni Pangandaman, sakop ng naturang “WaSH” program ang 75 benepisyaryo ng municipal LGUs sa buong bansa na kabilang sa 4th hanggang 6th income municipal classes.

Sambit ni Pangandaman na kapag naimplementa, bibilis at papadaliin ang access sa ligtas at resilient water supply at sanitation services sa mga nahuhuling munisipalidad sa bansa.

Sinabi ni Pangandaman na ang WaSH program ay alinsunod sa Joint Memorandum Circular No.1 ng DBM at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kung saan magko-coordinate at magpipinal ang dalawa sa listahan ng mga eligible at compliant projects na mabibiyayaan at mapopondohan.

Binigyang-diin ni Pangandaman na ang agarang pagrelis ng pondo na ito ay alinsunod sa utos ng Pangulong Bongbong Marcos na maseguro ang availability at accessibility sa malinis na tubig para sa lahat ng Pilipino.

Punto pa ni Pangandaman, ang WaSH program ay malaking tulak sa pagpapalawak at pag-upgrade ng imprastraktura ng water resource sa mga nahuhuling munisipalidad.

“By supporting the implementation of priority projects of LGUs, we invest in the growth and well-being of our local communities. It’s our commitment to progress and prosperity,” pahayag ni Pangandaman.

Dinagdag pa ni Pangandaman: “And as we release the funds to empower our local communities, we echo the vision of Bagong Pilipinas—a rallying cry for progress, resilience, and a brighter future espoused by President Ferdinand R. Marcos Jr.”

AUTHOR PROFILE