
Pang-almusal
MASARAP ang gising ng kahit na sinong barako kung sa umaga, aalmusalin nila ang patakam ng model-actress na si Sue Ramirez.
Tatalsik nga sa mundo ng kanilang mga pantasya ang sino mang kelot na magtatangkang bisitahin si Sue sa social media dahil sa lakas ng sipa ng alindog nito.
Sa Instagram page ng aktres, kinabaliwan ang mga ibinahagi nitong larawan nang magpunta sa isang resort and spa.
“Life is better in a bikini,” maikling caption ni Sue sa kanyang post.
Angat ang walang kupas na kaseksihan ng aktres sa mga bikini photos na ibinida niya.
Perfect ang timpla ng kanyang katawan at ganda sa suot na two-piece swimwear.
Noon pa man ay pantasya na ng mga kelot si Sue sa pagiging bombshell nito. Magpahanggang ngayon ay hindi patitinag ang mga ito kahit na binabakuran na si Sue ng kanyang nobyong Mayor ng Victorias City, Negros Occidental na si Javi Benitez.
Sa comment section nga ng nasabing post ay pinagkaguluhan ang ibinanderang hotness ng aktres. Bet na bet nilang ma-meet sa personal si Sue at masaksihan ang beauty nito ng malapitan.
Maging ang kapwa niya aktres na si Chie Filomeno ay napa-wow sa karisma ni Sue.
“Seeing you this early is even better tho,” komento ni Chie.