Panahon

Panahon na

May 18, 2023 People's Tonight 226 views

TALAGANG panahon na para bigyan natin ng pagkakataon ang mga taga-probinsya, partikular na ang mga mahihirap at matatanda, na magpagamot sa kani-kanilang mga rehiyon.

Sa ngayon kasi ay kailangan pang lumuwas ng Metropolitan Manila (MM), kung saan nandoon ang mga specialty hospital ng bansa, ang mga maysakit sa puso, baga at kidney.

Ang mga ospital na ito ay kinabibilangan ng Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, and the Philippine Children’s Medical Center.

Matatandaan na ang mga specialty hospital na ito sa MM ay ipinatayo pa noong panahon ni yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos, ama ni Presidente Bongbong R. Marcos Jr.

Kaya nga dapat ipasa na ng mga senador ang Senate Bill (SB) No. 2212 na nag-aatas sa Department of Health (DOH) na magtayo ng mga specialty hospital sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Ang pagtatayo ng mga regional specialty hospital ay isa sa priority measures ng administrasyon ni Pangulong Marcos, ayon kay Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go.

Sa kanyang sponsorship speech sa SB No. 2212, sinabi ni Senador Go, chair ng Senate committee on health and demography, na mahalagang meron sa mga rehiyon ang mga ospital na ito.

Ang mga co-sponsor ng SB No. 2212 ay sina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at Senador Sonny Angara, JV Ejercito, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Pia Cayetano.

Ayon pa kay Go, ama ng “Malasakit Centers” sa mga state-owned medical institutions, ang mga specialty hospital ay “primary destinations” ng mga kababayan nating may “serious illnesses.”

Dagdag ni Go: “We need to make these specialized medical services available to our people in the provinces.”

Sinabi pa ng senador mula Mindanao na dapat “we must unburden the people with unnecessary long travels and additional expenses just to get these services.”

Kapag naitayo na ang mga ospital na ito ay made-decongest ang mga kasalukuyang ospital sa Metropolitan Manila, na karamihan ay nasa Quezon Ciy.

AUTHOR PROFILE