
Pampataas ng heat index
“SINABAYAN mo pa talaga yung init.”
AYON sa netizens, ang dahilan daw ng pagtaas ng heat index sa bansa ay dahil sa pagbabandera ng aktres at content creator na si Arianne Bautista ng kanyang kaseksihan.
Sa kanyang Instagram page, sa hagdan pinainit ni Arianne ang social media base sa kanyang mga larawang ibinahagi.
“Heat index: 43°” saad niya sa caption ng post.
Kabogera sa pag-flex ng kanyang makinis at toned body ang aktres suot-suot ang kanyang brown one-piece swimsuit.
Talagang hindi lang heat index ang pinataas ni Arianne dahil pati ang libido ng mga kalahi ni Adan na kanyang followers, apaw na apaw.
Dahil ayaw paawat ng content creator sa pagbabalandra ng kanyang alindog, hindi rin nagpatigil ang netizens sa kanyang comment section na magbigay reaksyon sa kanyang sexy photos.
“Dami kong problema at iniisip ngayong araw… sumaya lang dahil sa post mo,” banat pa ng isang IG user.