Herlene Larawan mula sa IG/Herlene Budol

Pampainit ng laman

April 21, 2024 People's Tonight 298 views

MAY hatid na hotness sa mga barako ang beauty queen at comedienne-actress na si Herlene “Hipon” Budol.

Ibang klase kung manghatak ng atensyon ng mga nasa opposite sex ang ibinandera niyang “pampainit ng laman” sa kanyang Instagram page nitong Sabado, Abril 20.

Masasaksihan sa ilang larawang ibinahagi ng ‘Magandang Dilag’ actress ang ibinuyangyang niyang kaseksihan habang nasa isang beach resort.

Nakasuot man ng cheetah print na two-piece bikini, walang kahit na anong masisilayang kamot sa kanyang balat. Winner ang kakinisan ng comedienne-actress, walang bakas ng kahit anong dilim ang pasikot-sikot ng skin nito. Walang itinatago ang kanyang katawan dahil pati ang kaluluwa niyang labas ay kering-keri sa labanan.

Inulan ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing post ni Herlene. Narito ang ilang komento nila: “Pa isa po,” “Tehhhh inaano ka baaaa namen,” “Mhimaaaa iba na to HAHAA sexy mo palagiii,” “Sexy naman this girl,” at “Wow na yummy na!!!”

AUTHOR PROFILE