
Pamilya ni Sharon, iniyakan ang pagkawala ng asong si Bea
Nagluluksa ang pamilya ni Sharon Cuneta ngayon dahil sa pagpanaw ng kanilang matagal nang alagang aso na si Bea.
As we all know ay dog lover ang Megastar pati na ang kanyang pamilya at napakarami nga nilang alagang aso.
Sa kanyang Instagram post ay ibinalita ni Shawie ang pagpanaw ni Bea.
Aniya ay mabigat na mabigat ang kanilang loob ngayon. Seven years old pa lang daw ang anak niyang si Frankie ay alaga na nila ang nasabing doggie.
“All our hearts at home are so heavy… our oldest dog, Bea, a gift to Kakie from her late Ninong Mitch when she was only 7 yrs old, crossed the rainbow bridge yesterday morning at her vet’s who did everything he could to prolong her life a little bit more…
“I really have no words and we’ve all been crying since yesterday so I will let Miel’s post express how we are all feeling… kindly pray especially for Kakie who is so far away and just lost her first best friend, please… Thank you so much. We will love you forever, our baby Bea… Run free now…,” ang post ni Shawie.
Sa isang post naman niya ay makikitang malungkot din ang mister niyang si former Senator Kiko Pangilinan habang karga-karga si Bea.
“The first two photos were taken yesterday just after Bea passed… Daddy was crying too… the next are when she was a puppy and then just before her Mama Kakie left for New York last August…
We love you so very much our beautiful Bea… We will never stop missing you,” caption ni Sharon.
Dumagsa naman ang pakikiramay sa kanila sa comment section kabilang na ang ilang celebrities.