Pamilya

Pamilya Ko pasok sa Top 15 Partylist ng Octa Research April Survey

May 1, 2025 Edd Reyes 84 views

PATULOY na lumalakas ang suportang nakukuha ng Pamilya Ko Party-list (PKP) at kinikilala ang bitbit nitong adbokasiyang nagtataguyod sa karapatan ng bawat pamilya.

Sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research nitong April 2025, nasa rank 12 ang PAMILYA KO Partylist na isang maagang senyales na malaki na ang tsansa na makakuha sila ng ng puwesto sa Kongreso.

Ang mabilis na pag-angat ng grupo ay dala ng kanilang platapormang nakatuon sa isa sa mga nakakalimutang sektor sa lipunan: ang mga hindi tradisyunal na pamilya.

Mula sa mga single parent, blended families, LGBTQIA+ couples, adoptive families, hanggang sa mga lolo at lola na kumakalinga sa mga anak ng OFW, isinusulong ng PKP ang mga makasaysayang reporma kabilang ang mga panukalang batas na pantay-pantay na karapatan sa mana para sa lahat ng anak, anuman ang estado ng kasal ng mga magulang

Gayundin ang legal na pagkilala sa domestic partnerships, kabilang ang LGBTQIA+ unions,pagbalangkas sa surrogacy na nagpoprotekta sa mga magulang at surrogate mothers, trauma counseling at mental health support para sa mga hiwalay na pamilya at programang pangkabuhayan at karapatan sa guardianship para sa mga lolo’t lolang kumakalinga sa mga anak ng OFW

Ang nagpapalakas sa Pamilya Ko partylist ay ang mga nangunguna at pamunuan nito, mga nominado na mismo ay nagmula sa iba’t ibang anyo ng pamilya, kaya’t may dalang kredibilidad at tunay na karanasan sa kanilang adbokasiya.

“Ang aming plataporma ay nakatayo sa tunay na representasyon, may puso, at may isang salita. Totoong bahagi ng lipunan ang mga hindi tradisyunal na pamilya. Panahon na para kilalanin at protektahan sila ng batas,” pahayag ni Atty. Anel Diaz, nominado ng PKP.

Kabilang din sa nominee ang aktres na si Sunshine Cruz na nagpahayag na bilang isang single parent ay nais ding marinig ang kanilang boses sa kongreso.

Naniniwala rin si Diaz na ang lumalawak na suporta at adbokasiya para sa PKP ay senyales ng lumalaking panawagan para sa mas inklusibo at may malasakit na pamahalaan, patunay na sa makabagong Pilipinas, wala dapat maiwang pamilya.

AUTHOR PROFILE