Suporta

Pamilya Ko inendoso ng kandidatong konsehal

April 2, 2025 Edd Reyes 172 views

SINUPORTAHAN ng dalawang kandidatong konsehal sa Maynila ang Pamilya Ko Partylist (PKP) na pinangunahan ni Atty. Anel Diaz bilang first nominee.

Naniniwala sina Pau Ejercito at Malou Ocsan na malaki ang maitutulong ng PKP ni Diaz na mapangalagaan ang kapakanan ng bawat miyembro ng pamilya, lalu na ang mga non-traditional family at iba pang sektor ng lipunan.

Tinukoy ni Ejercito na bilang bahagi ng isang hindi maayos na pamilya o isang illegitimate child ay hindi nagiging patas ang pagtrato sa mga ito.

Tiyak aniyang maisusulong ng PKP, sa sandaling magkaroon ng pagkakataong makaupo sa Kongreso ang pag-amyenda sa Family Code na kung saan dapat ay magtamasa na ng pare-parehong karapatan ang bawat anak ng isang pumanaw na mula kanyang mga ari-arian.

Sinabi naman ni Ocsan na bilang isang single mother, naniniwala siyang maraming mga uri ng kabuhayan ang maaring itulong at isulong ng PKP.

Dahil dito tiniyak nina Ocsan at Ejercito na kanilang ikakampanya sa Lungsod ng Manila at mga kakilala ang Pamilya Ko Partylist.

Lubos naman ang pasasalamat ni Diaz sa tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng dalawa at sa mainit na pagtanggap ng mga Manileno sa Pamilya Ko Partylist.

Siniguro din ni Diaz sa lahat na titiyakin nila ang pagsusulong ng pagkapantay-pantay na karapatan ng mga anak lehitimo man o hindi at tiyaking maipatupad ang benepisyong makukuha ng mga solo parents.

AUTHOR PROFILE