Rose Larawan mula sa IG/Rose Van Ginkel

PalaVAN!

March 27, 2025 People's Tonight 118 views

KABOGERA kung rumampa sa buhanginan ng Boracay ang singer-actress at model na si Rose Van Ginkel.

Makikita nga sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram ang sumasabog na regalong bikini pictures ng sexy star para sa kanyang social media followers.

Kumpleto nga sa rekado ang presents niya: mula sa napaka kinis niyang legs, perpektong pigura, at Mestiza beauty ni Rose Van, total package kung ituring ang alindog ng bebot.

Glowing sa ilalim ng sikat ng araw ang walang kasing kinis na balat ng former member ng girl group na ‘Pop Girls’ habang todo pose sa beach.

Talagang magniningning ang mata ng mga nasa opposite sex kung masisilayan ang karisma nito.

Ilang netizens din ang nakaka-miss kay Rose Van na magkaroon muli ng proyekto sa Vivamax para hindi lang sa mga larawan nila nasasaksihan ang kanyang sex appeal.

Binaha nila ng heart at fire emojis ang nasabing mga larawan ng singer-actress. Bet na bet nila ang ibinandera niyang hotness.

“Now that’s paradise” at “Sarap naman ni Ginkel,” ang ilang hirit ng netizens sa kanyang post.

AUTHOR PROFILE