
PAL nag-overshoot sa Busuanga airport
TRAUMA at takot ang sinapit ng mga pasaherong sakay ng Philippine Air Lines (PAL) flight mula Mactan airport patungong Busuanga airport nang mag-vershoot ang eroplano sa maputik na bahagi ng runway noong Hulyo 14.
Maswerteng ligtas lahat ang 53 pasahero at naibaba matapos mag overshot sa damuhang bahagi ng Busuanga Airport.
Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, umalis ang PAL flight PR 2680 mula Mactan Airport dakong 1:44 ng hapon at lumapag sa Busuanga Airport dakong 2:51 ng hapon PM pero nag overshot ito sa runway.
Dagdag pa ni Villaluna, alas-3:40 na ng hapon nang maibaba sa eroplano ang 53 sakay na pasahero at 4 na flight crew.
Humingi ng pasensya at pang-unawa ang pamunuan ng PAL sa mga pasaherong ng eroplano matapos ang insidente. Ni JOSEPH MUEGO