Evangelista PRO1 director, B/Gen. Lou Evangelista

Pakete na palutang-lutang sa Ilocos Sur kumpirmadong shabu

June 30, 2024 Christian D. Supnad 54 views

CAMP PRES QUIRINO, Ilocos Sur– KInumpirma ng mga pulis noong Linggo na shabu na nagkakahalaga ng mahigit P.5 bilyon ang laman ng 80 pakete na lulutang-lutang sa dalampasigan ng San Juan, Caoayan at Magsingal, Ilocos Sur.

Sinabi ni B/Gen. Lou Evangelista, Police Regional Office (PRO)-1 director, na purong shabu ang laman ng mga pakete base sa laboratory tests.

Ayon kay Lt. Col. Benigno Sumawang, PRO-1 public information officer, base sa laboratory results ng Provincial Forensic Unit ng Ilocos Sur, may total na bigat na 79,963.83 grams at standard price na P543,754,044 ang mga na-recover na 80 packs ng illegal drugs.

Pinuri ng mga pulis ang mga mangingisda sa Ilocos Sur sa kanilang katapangan para iahon ang pake-paketeng lulutang-lutang sa mga karagatan ng shabu San Juan, Caoayan, at Magsingal, Ilocos Sur.

Para makakuha ng karagdagang impormasyon, tinawagan ng mga newsman si Col. Darnel Dulnoan, acting officer in charge ng Ilocos Sur PNP pero ayaw sumagot ng opisyal.

Sinabi ni Lt. Reynald “Bong” Ramos, deputy chief of police ng San Juan, na malamang na intentional na ibinagsak ang mga shabu sa karagatan dito ng sindikato upang saluhin ng kanilang kontak pero naunahan sila ng mga mangingisda.

“Mabalin nga intinnag ti sindikato dagitoy droga santo sabten koma tay contactda ditoy ngem naunaan nga nakita dagiti manggalap,” (Maybe the syndicate dumped the drugs, then their contact will meet along the way and retrieve it but the fishermen were the first one to notice it), ani Lt. Ramos sa telephone interview.

Noong June 26, 2024, isang fisherman ang nag report sa Sta. Maria Police Station na may narecover siyang 18 pakete ng white crystalline substances na palutang-lutang sa territorial waters ng Villamar, Caoayan, Ilocos Sur.

Yong araw ding yon, ang mga mangingisda naman na ibang grupo nakakuha rin ng 18 packs ng shabu habang nangingisda sa Magsingal Bay, Ilocos Sur malapit sa San Juan waters.

Agad ti-nest ng police at PDEA ang mga ito at napatunayang methamphetamine hydrochloride (shabu).

Noong June 27, 2024, dalawang msngingisda naman ang nakukuha ng 38 packs na may net weight na 36,119.00 grams at nagkakahalaga ng P259,209,200.