
Pak na pak na package
WALA na ngang hahanap-hanapin pa sa singer-actress at model na si Rose Van Ginkel.
Makikita nga sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram ang sumasabog na regalong bikini pictures ng sexy star para sa kanyang social media followers.
Kumpleto nga sa rekado ang presents niya: mula sa flawless niyang skin, perpektong pigura, at Mestiza beauty ni Rose Van, total package kung ituring ang alindog ng bebot.
Glowing sa ilalim ng sikat ng araw ang walang kasing kinis na balat ng former member ng girl group na ‘Pop Girls’ habang nakasawsaw sa swimming pool.
Talagang magniningning ang mata ng mga nasa opposite sex kung masisilayan ang karisma nito.
Bukod sa fresh na no makeup look, mapapalunok din ng laway ang kanyang male fans dahil sa mga titigan ni Rose Van.
Ilang netizens din ang nakaka-miss kay Rose Van na magkaroon muli ng proyekto sa Vivamax para hindi lang sa mga larawan nila nasasaksihan ang kanyang sex appeal.
Binaha nila ng heart at fire emojis ang nasabing mga larawan ng singer-actress. Bet na bet nila ang ibinandera niyang hotness.
“Why I’m getting hard just looking at her,” at “Kaya pala uminit lalo” ang naging banat ng ilang IG users sa kanyang post.