
Pagtutok ng gobyerno sa mga pekeng Pinoy pinasalamatan
PINASALAMATAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mga mambabatas at mga law enforcement agencies sa pagtutok sa pagresolba sa mga problema sa mga pekeng Pilipino.
Sinabi ni Tansingco na una na nilang ibinunyag ang impormasyon kasunod ng 10 kaso ng mga dayuhan na nagpapakilala bilang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga dokumento na nakuha nila sa iregular na paraan.
“Once they present themselves as a Filipino, they already removed from the purview of the BI which monitors foreigners. Apart from this, they are able to present layers and layers of Philippine documents, all original, pushing for their claim,” saad ni Tansingco.
Ipinaliwanag ng opisyal na nagawang makakuha ng mga dokumento ang mga dayuhan sa pamamagitan ng pag-acquire nila ng birth certificates.
Ang mga dokumento anya ay inaabuso ng mga dayuhan na nasasangkot sa terorismo, mga krimen at panloloko.
Maaari rin anya itong magresulta sa ilang illegal aliens na makaboto o makapasok sa komunidad habang patuloy na nagsasagawa ng iligal na aktibidad.
Hiniling na rin ni Tansingco sa National Bureau of Investigation (NBI) na bigyan sila ng mga pangalan at iba pang detalye ng 200 katao na may falsified birth certificates na inisyu ng civil registry sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Humiling na rin ang BI sa Philippine Statistics Authority (PSA) ng impormasyon kaugnay sa mga nag-avail ng late registration scheme.
“We must be proactive and thorough in our approach to prevent the misuse of Philippine documents by foreign nationals. This is an issue of national security, and needs to be addressed immediately,” paliwanag ng opisyal.