License Source: File FB photo

Pagsuspendi ng lisensiya ng namahiyang driver inirekomenda

June 26, 2024 Jun I. Legaspi 107 views

INIRIKUMENDA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) na suspendihin ang lisensya ng jeepney driver na nang-body shame ng pasahero.

“The Board hereby recommends to the Land Transportation Office that the driver’s license of Mr. Arneto Palisan be suspended in accordance with RA 4136,” ayon sa utos ng LTFRB noong June 25, 2024.

Bukod sa pagsuspinde ng lisensya ng driver, magpapataw din ang LTFRB ng multang P15,000 sa driver pati na rin sa may-ari ng jeepney dahil sa pagtanggap ng isang bastos na empleyado, sa kabiguan na maghatid ng pasahero, at dahil sa hindi kanais-nais na mga komento ng driver at konduktor tungkol sa pisikal na anyo ng pasahero.

Ayon sa LTFRB Board, ang mga ebidensyang iniharap sa pagdinig ng kaso ng body shaming, “ay pabor sa nagreklamo.”

“It is as clear as the day that the driver, his conductor as well as the operator is at fault in this instance.

“The act of the driver and his conductor is not only abominable but has no place in a civilized society. The degradation and humiliation suffered by the complainant coupled with the brazen admission and unapologetic behavior of the driver and his conductor deserved scant penalty from this office,” ayon sa LTFRB Board.

Nagbigay din ang LTFRB ng mahigpit na babala sa mga operator at driver ng jeepney na kung mauulit ang ganitong mga gawain, ang Board ay kikilos nang naaayon.

Matatandaang nagsampa ng reklamo ang complainant na si Joy Gutierrez laban sa driver at sa konduktor nito dahil sa body-shaming nito habang sakay ng PUJ, isang matinding paglabag sa Safe Spaces Act sa pampublikong transportasyon.

Noong Hunyo 10, nag-isyu ang LTFRB ng show-cause order na nag-uutos sa complainant, may-ari ng prangkisa, at sa nasangkot na driver na humarap para sa isang pagdinig noong Hunyo 14.

AUTHOR PROFILE