Frasco DOT Secretary Maria Christina Garcia Frasco

Pagsisikap ni Frasco na mapaunlad PH tourism pinuri ni Madrona

June 18, 2023 Mar Rodriguez 618 views
Madrona
Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, chairman ng Tourism Committee sa Kamara

6.2% kontribusyon ng PH tourism sa GDP ikinagalak ng House Committee on Tourism

IKINAGALAK ng House Committee on Tourism ang inilabas na data ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita na malaki ang naging kontribusyon ng Philippine tourism sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa matapos itong sumikad o sumipa sa 6.2% noong 2022.

Ipinaliwanag ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, chairman ng Tourism Committee sa Kamara, na ang malaking kontribusyon ng industriya ng turismo sa ekonomiya ng bansa na pumalo noong 2022 ay bunsod narin ng pagluluwag ng pamahalaan sa mga travel restrictions.

Magugunitang ipinatupad ng pamahalan ang mga travel restrictions o ang pagpasok ng mga dayuhang turista sa Pilipinas. Kabilang na ang pagbabawal sa mga mamamayan na bumisita sa iba’t-ibang tourist destination o mataong lugar bunsod narin ng pamamayagpag ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Madrona na alinsunod sa primary data na inilabas ng PSA. Tumaas ang GDP ng bansa noong 2022 mula sa Tourism Direct Gross Value Added (TDGVA) matapos itong umakyat sa 6.2%.

Ipinabatid pa ni Madrona na ang tinatawag na “economic contribution” ng Philippine tourism ay umabot sa tinatayang P1.38 trillion noong nakaraang taon (2022) o mataas ng 36.9% kumpara sa P1 trillion noong 2021.

Dahil dito, binigyang diin ni Madrona na ang magandang resulta o data na inilabas ng PSA ay nagpapakita lamang na unti-unti ng nagbubunga ang mga pagsisikap ni Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Christina Garcia Frasco na mapaunlad ang tourism industry sa Pilipinas.

Umaasa din si Madrona na sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ay mailalatag sa talumpati nito ang mga plano ng pamahalaan para sa lalo pang pagpapa-unlad at pagpapayabong sa Philippine tourism na economic driver ng bansa.

AUTHOR PROFILE