Default Thumbnail

Pagsasamang Ruffa-Yilmaz may basbas ni Bistek

April 27, 2025 Vinia Vivar 74 views

May blessings naman pala ng boyfriend ni Ruffa Gutierrez na si Herbert Bautista na makasama ng aktres ang ex-husband niyang si Yilmaz Bektas kapag bumisita ng Pilipinas ang Turkish businessman.

Ngayong Mayo ang plano ni Yilmaz na pagdalaw sa bansa para makapiling ang mga anak nila ni Ruffa na sina Lorin at Venice.

Pero ang gusto ni Yilmaz ay kasama si Ruffa sa bonding nilang mag-aama.

Good thing, understanding si Bistek at pinayagan si Ruffa.

“Ah, good sige, mag-enjoy kayo,” sey daw ni Bistek kay Ruffa.

Pero ang sabi nito ay “mag-enjoy kayo for a day.”

Dagdag pa ni Ruffa, “Hindi niya sinabing ‘mag-enjoy kayo for two weeks,’” sabay-tawa.

Ayon nga rin sa aktres, sobrang chill lang ang love life niya ngayon at walang ka-nega-nega. Malaking tulong nga raw na low-key lang ito at hindi nila masyadong pino-flaunt ang relasyon.

“It’s not a secret but, you know, it’s there and it’s not something that I share online all the time. I feel na ‘pag private kasi, kung hindi naman kailangang i-flaunt, mas importante ‘yung what happens behind social media. Hindi naman lahat, kailangan nating i-broadcast, ‘di ba?” aniya.

Happy raw siya sa kanyang love life ngayon dahil walang ka-stress-stress. Hindi raw ito ‘yung tipong kailangan mo pang hanapin sa gabi at kung saan-saan daw nagpupunta.

“’Eto, mas nauuna pang natutulog kesa sa ‘kin, 10 (p.m.) tulog na,” natatawa pang sabi ni Ruffa.

AUTHOR PROFILE