
Pagsali ng PH sa World Expo ’25 importante — Sec. Frasco
SINABI ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang kahalagahan ng pakikilahok ng bansa sa World Expo 2025 Osaka, Kansai, Japan Expo.
“Ang aming pakikilahok sa Word Expo 2025 may malaking kontribusyon sa Sustainable Development Goals (SDG) at ang pagsasakatuparan ng sariling pambansang diskarte ng Japan na nakatutok sa climate change at health crisis,” sabi ng kalihim.
Naaayon sa thrust ng ating Pangulo na muling ipakilala ang Pilipinas sa mundo sa lakas ng mga award-winning na destinasyon nito, ang megabiodiversity nito, at higit sa lahat, ang pagsasalaysay ng kuwentong Pilipino na nakasalalay sa lakas ng ating kulturang Pilipino, ating pamana at ating kasaysayan,” ani Kalihim Frasco.
Binanggit din ng kalihim ng turismo ang kahalagahan ng pakikilahok sa pagpapalakas ng umiiral na ugnayan ng bansa sa Japan.
Noong 2023, tinanggap ng Pilipinas ang mahigit 305,000 turista mula sa Japan. Pinakamalaking source market para sa mga bisitang dumating ang mga Japanese.
“Sa ilalim ng administrasyon ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., nilagdaan din natin ang isang Memorandum of Cooperation on Tourism sa pagitan ng Pilipinas at Japan noong nakaraang taon na nagpapahiwatig ng ating magkasanib na intensyon na dagdagan ang mga pagdating ng turismo at mga resibo sa turismo, gayundin ang ating intensyon upang palawakin ang ating matatag na kooperasyon sa turismo,” ayon pa sa kanya.