
Pagpuna ng netizen sa pananagalog pinatulan ni BINI Mikha
Sa halip na magalit ay nagpasalamat pa ang member ng BINI na si Mikha sa isang netizen na pinuna ang paraan niya ng pagsasalita ng Tagalog.
Nirepost kasi ng isang netizen sa X ang video kung saan ay mapapanood na nagsasalita ng Tagalog si BINI Mikha.
Sey X user, “Malamang sa Pilipinas yan lumaki Nung di pa sila sikat fluent naman Tagalog nyan ngayon umaarteng di sanay magtagalog halatang pinepeke Yung mga tangang fans lang naman nila nacucutan Cringey mo @bini_mikha.”
Nang mabasa ito ni BINI Mikha ay kaagad siyang sumagot at mahinahong nagpaliwanag.
Nagpasalamat pa siya sa netizen sa pagpuna sa kanya.
“Hi! Thank you for saying this, a good opportunity for me to clear things up! I’ve said before a couple of times and to people who ask me about it that I can speak fluent tagalog, but there are times in a script or in front of the camera I get a little bulol or I overthink the tagalog words I should use.. that’s why I end up choosing to speak in straight english most of the time in front of the camera Have a good night!” pahayag ng miyembro ng Pinoy Pop girl group.
Sa isang hiwalay na tweet ay nakiusap naman si BINI Mikha sa kanyang fans.
“Let’s stop all the hate guys, my response was not to fuel hate but to inform and clear things up for everyone. Please spread kindness and just educate,” aniya.