Marlon

Pagpapatupad ng Saligang Batas

June 27, 2024 Marlon Purification 52 views

NANGAKO si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla na gagawin ang lahat para tiyaking mas madaling maipapatupad ng susunod na henerasyon ang mga probisyon sa ating Konstitusyon – matapos ang pagdinig sa ilang probisyong politikal ng Saligang Batas.

Ani Padilla, bagama’t wala siyang nakikitang mali sa Saligang Batas, hindi nakayanan ng kasalukuyang henerasyon na maipatupad ang probisyon nito.

“Kami ay bilib dito, ako’y naniniwala (sa) 1987 Constitution kaya lang siyempre tumatakbo ang panahon at hindi siguro mali na silipin natin ito. Kung sa generation namin nag-fail kaming sundin ang Constitution na ito, baka sakaling makagawa tayo ng bagong Constitution na ang generation ngayon wag sila mag-fail,” ani Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Tinalakay sa pagdinig ang Senate Bill 921 (selecting an acting President under Art. VII, Sec. 7 of the Constitution); Senate Resolution of Both Houses 4 (Amendments to Sec. 18 of Art. VII); SBR 7 (Amendments to Section 1 of Art. XVII); at SBR 8 (Calling for a Constitutional Convention to Revise the 1987 Constitution).

Nakiusap si Padilla sa mga legal heavyweights na dumalo sa pagdinig na patuloy na tulungan ang kanyang komite sa pagbuo ng panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Atin agad na iko-convene ang Technical Working Group para ayusin ang detalye ng magiging version ng panukalang batas. Una sa presidential succession, pangalawa sa Concon,” ani Padilla.