Lapid Sen. Lito Lapid

Pagpapalago ng agri-tourism isusulong ni Sen. Lapid

May 28, 2024 People's Tonight 70 views

PINAG-AARALAN ngayon ni Senador Lito Lapid ang pagpapaunlad ng agritourism sa bansa.

Kasunod ito ng pagtalaga kay Lapid bilang pinuno ng Senate committee on tourism.

Ayon kay Lapid, bilang magsasaka, isusulong niya ang pagpapalago at promosyon ng agrikultura sa pamamagitan ng turismo, at upang maenganyo rin ang mga Pilipino na tangkilikin ang lokal na mga tourism destination.

Sabi pa ni Lapid, ang agritourism ay magbibigay-daan sa mga kabataan na mahikayat na mag-aral ng agrikultura, lalo ngayon na matatanda na ang populasyon ng mga magsasaka.

“Ang promosyon ng farm tourism ay magbibigay sa atin ng magandang hanapbuhay at oportunidad sa mga kabataan para bumalik sa pagsasaka at may dagdag na kita pa sa ating turismo, mga magbubukid at lokal na komunidad,” diin ni Lapid.

Ang agritourism ay nakasentro sa agricultural-based activities para hikayatin ang mga bakasyunista o turista na bumisita at matuto sa gawain ng mga magsasaka sa bukirin at rancho.

Kabilang sa mga aktibidad rito ay pagpitas (picking) ng mga gulay at prutas, paggawa ng local wines, pagtatanim ng palay o root crops, pag-aaral sa organic farms, paggatas sa baka, pagsakay sa kalabaw o kabayo, pamimingwit, pagpitas ng coffee beans, farm-to-table dining at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE