Gala5

Pagkahulog ni Herlene nag-viral, pagsaklolo ni Barbie pinuri ng netizens

July 21, 2024 Vinia Vivar 219 views

VIRAL ngayon ang video ni Herlene Budol sa katatapos lang na GMA Gala 2024 nitong nakaraang Sabado.

Aksidente kasing nahulog ang beauty queen habang inirarampa ang suot niyang “Birth of Venus” masterpiece na gawa ni Leo Almodal at ibinase sa painting ng Italian artist na si Sandro Botticelli.

Sa viral video ay makikita si Herlene na naglalakad sa stage suot ang revealing gown.

Tila nagkamali ng apak si Herlene at bigla na lang siyang nahulog. Agad namang sumaklolo ang mga taong nasa harapan niya.

Si Barbie Forteza biglang napatakbo para tulungan si Herlene kaya puring-puri ito ng netizens.

Sey ng dalaga ay okay lang siya at saka bumalik sa stage para rumampa uli.

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa nangyari pero mas marami ang nagdudang sinadya niya ang mahulog para pag-usapan at mang-agaw ng eksena.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments: “Ay naku, sa action nya plqng obvious na parang sinadya… ahhahaha.”

“Isa pang t*nga mabigat yung gown nya sa bandang baba nahirapan sya ilakad. eng*t.”

“Idk (I don’t know) why, di na ako nakaka-feel ng 2nd hand embarrassment sa kanya. Siguro naubos na nung nag-dog show sya sa pageant, and other kagagahan.”

“Same here! I have a feeling na sinadya niya din yan so people would talk about her. Impossible they didn’t rehearse that walk. Kahit na they didn’t rehearse you would think na she’s aware enough na may landing don. Or baka boba lang talaga.”

“Half of me medyo naawa, the rest natawa. PERO I was reminded na she joined a national pageant and wore high heels so dapat kabisado nya paano ang pasarela or at least how to walk in high heels.”

“Nakakaproud si Herlene after that unexpected accident. She quickly redeemed herself. What I like about this footage is yung grabeng support ng co sparkle artists niya para palakasin loob niya.

Just look how @dealwithBARBIE keep cheering for her. That’s our girl rt!”

AUTHOR PROFILE