Bulaga

Pagkabawi ng TAPE sa Eat Bulaga YT channel ipinaliwanag

September 11, 2023 Aster Amoyo 175 views

INIHAYAG ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. na “nabawi” na nila ang kontrol sa “Eat Bulaga” YouTube channel. Inihayag naman ng abogado ng TVJ Productions na gagawa sila ng legal na hakbang laban sa TAPE dahil dito.

Naging inactive ang naturang Youtube Channel ng Eat Bulaga mula nang kumalas sa TAPE Inc. sina Tito Sotto, Joey De Leon, Vic Sotto, at iba pang host nito noong Mayo.

Sa pahayag, tinawag ni Atty. Enrique Dela Cruz, abogado ng TVJ Production, na “disturbing” ang balita na dating walang access ang TAPE sa nasabing YT channel.

“The owner of the YouTube channel is the owner of the email used to register it. It is not TAPE. That is why they never had access to this account,” ani Dela Cruz.

“This may constitute a cyber crime if they hacked into the account or made misrepresentations to YouTube,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Dela Cruz na ang laman o content sa channel ay mga dating episodes ng “Eat Bulaga” na ang TVJ ang may-ari ng copyright at nagtrabaho rito.

Mariin namang itinanggi ng abogado ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham Garduque, na hinack nila ang account at walang cybercrime na ginagawa ang kompanya.

“Being the owner of the account, TAPE was able to coordinate with YouTube to change the email and the password and the new contact person in behalf of the company,” paliwanag niya.

Ayon pa sa TAPE, producer ng Eat Bulaga, ang tao na gumawa ng YouTube account ng programa ay empleyado nila, at ginawa ang account para sa kompanya.

“TAPE Inc. is ready to show the official receipts from YouTube stating that it is the one which spent to create the account. The bank account linked to the YouTube account is likewise owned by Tape Inc,” sabi pa ni Garduque.

Mga kaklase ni Raphael proud sa kanya

RaphaelSIKAT sa kanyang school ang Voltes V: Legacy star na si Raphael Landicho.

Sa first day of school ng Kapuso child actor na gumaganap na si Little John Armstrong sa VVL, nagulat ang kanyang mga classmates nang pumasok siya sa classroom.

“Natuwa at nagulat po sila kasi classmate daw nila si Little John. Nanonood daw po sila ng Voltes V: Legacy gabi-gabi. Happy po ako kasi mga fan din sila ng show,” sey ni Raphael.

Na-enjoy naman daw ni Raphael ang first time na mag-face-to-face classes ulit after three years dahil sa COVID-19 pandemic.

“Iba rin po kasi yung kasama mo sa isang classroom ang teacher at mga classmate kesa naka-online classes. Na-miss ko po ang magkaroon ng mga bagong friends at yung magkukuwentuhan kayo.”

Dahil dalawang show ni Raphael ang nagtapos (Voltes V: Legacy at Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis), nagte-taping na siya para sa teleserye na Against All Odds kasama sina Marian Rivera at Gabby Concepcion.

Jillian ayaw pang magpaligaw

JillianSA kabila ng kanyang edad na 18 at maraming nagpapa-cute na boys sa kaniya, inihayag ni Jillian Ward na hindi pa rin siya nagpapaligaw.

Sa “Not Gonna Lie” segment ng programang Dapat Alam Mo!, tinanong si Jillian kung marami bang nanliligaw sa kaniya sa totoong buhay.

“I’m not gonna lie. Lie,” tugon ni Jillian.

Gayunman, “lie” ang lumabas sa lie detector test, na tumututol sa kanyang sagot.

“Well, hindi po kasi ako nagpapaligaw pa talaga,” paliwanag ni Jillian. “May mga nagpapa-cute po pero kasi ako myself, iniiwasan ko po muna.”

Dahil dito, tinanong din si Jillian kung sino sa cast members niya sa “Abot-Kamay Na Pangarap” ang nagpapa-cute sa kaniya.

“Ayoko pong sagutin,” natatawa niyang sagot.

Bukod dito, hindi rin pinapayagan pa si Jillian ng kaniyang ina na magkanobyo.

Gayunman, sariling desisyon daw ni Jillian ang hindi muna pumasok sa isang relasyon.

“Mas istrikto po ako sa sarili ko kaysa istrikto sa akin ‘yung mga nasa paligid ko. Kasi sabi po nila enjoy-in ko ‘yung pagkabata ko. So I myself, gusto kong mag-focus muna sa work,” pahayag ng Kapuso teen queen.

Dati nang inihayag ni Jillian na tipo niya sa isang lalaki ang talented at mabait ang personality.

Patuloy na napapanood si Jillian bilang si bilang si Dra. Analyn Santos, ang pinakabatang neurosurgeon sa Pilipinas sa GMA Afternoon Prime series na ‘Abot-Kamay na Pangarap.’

AUTHOR PROFILE