Sharon Cuneta

Pagbabati nina Sharon at KC, isa sa highlights ng Sharon-Gabby concert

October 28, 2023 Vinia Vivar 505 views

Pinatunayan ng fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kung gaano nila na-miss ang kanilang mga idolo dahil punung-puno ang SM Mall of Asia Arena kung saan ginanap ang Dear Heart reunion concert ng dating mag-asawa at magka-loveteam nitong Biyernes, October 27.

Binusog naman nina Gabby at Sharon ang kanilang fans dahil napakaraming kilig moments ng dalawa at ibinalik talaga nila ang audience sa dekada ’80 na panahon ng kanilang tambalan off and on cam.

Maraming throwback moments (including video footages) habang kinakanta nila ang mga theme song ng kanilang mga naging pelikula tulad ng Dear Heart, My Only Love, P.S. I Love You, Dapat Ka Bang Mahalin at Sa Hirap at Ginhawa, among others.

During the concert, hindi maikakailang malakas pa rin ang chemistry at kilig nina Sharon at Gabby at talagang nakaka-miss ang kanilang tambalan. Nagsisigawan ang fans tuwing may sweet moments sila tulad ng simpleng holding hands o akbay o kaya naman ay hawakan lang ni Gabby ang mukha ni Sharon and vice versa.

But more than just the nostalgic and sweet moments of Sharon and Gabby, the concert was also a reunion of the ex-couple and their only daughter, KC Concepcion.

We must say na ang pinaka-touching at most memorable moment ng concert ay nang umakyat na si KC sa stage at magsama-sama silang tatlo which was really a rare moment.

Nakakaiyak at nakaka-goosebumps talaga.

Kumanta sina Sharon at KC ng Ikaw at dito na bumigay si Megastar at pati na rin kami.

Iyak nang iyak si Sharon at ang buong audience yata ay nakiiyak sa kanila.

Pagkatapos nga ng number nila ay sinabi ni Gabby na masayang-masaya siya na okay na ang mag-ina. Hindi naman lingid sa lahat na nagkaroon ng tampuhan kamakailan lang sina Sharon at KC.

Winner din ang tsikahan portion nina Sharon at Gabby with Ogie Alcasid and Regine Velasquez kung saan ay tinanong ng mag-asawa ang ex-couple ng mga nakakakilig na tanong.

Nakakatuwa si Regine na kilig na kilig din kina Sharon at Gabby. Tawa naman kami nang tawa kay Ogie na binabato pa ang silya kapag may mga kilig moment ang dating mag-asawa.

Isa rin sa pinakakilig moments ng concert ay ang tatlong encore songs nina Sharon at Gabby – ang Tonight I Celebrate My Love, Maybe at ang signature song nilang Come What May.

Napaka-feel good ng concert at uuwi ka talagang may ngiti sa mga labi.

Dahil sa success ng Dear Heart ay marami na nga raw ang humihiling na magkaroon din ng reunion movie sina Sharon at Gabby.

Samantala, sa mga hindi nakapanood ng Dear Heart concert, pwede pang humabol sa Dear Heart VIP Night bukas, October 30, sa Okada Manila Ballroom at ang InLife’s Dear Heart in Cebu sa November 17 sa NUSTAR Convention Center.

AUTHOR PROFILE