BBM3

Pag-urong ni Biden tunay na statesmanship, ayon kay PBBM

July 22, 2024 Chona Yu 342 views

PAGPAPAKITA ng tunay na statesmanship ang pasya ni US President Joe Biden na umurong na sa susunod na presidential elections.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahanga-hanga ang ginawa ni Biden.

“President Biden’s decision to withdraw from his candidacy is a demonstration of genuine statesmanship,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa pahayag ni Biden, sinabi nitong mas makabubuti sa Amerika at maging sa kanyang aprtido na Democrat na hindi na tumuloy sa kanyang re-election bid.

Inindorso ni Biden ang kanyang running mate na si Vice President Kamala Harris.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos sa suporta ni Biden sa Pilipinas.

“We thank him for his constant and unwavering support for the Philippines in a delicate and difficult time. We wish him well for the rest of his presidency and for all his future endeavors,” pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE