
PAG-FLEX NI LORIN SA FULLY PAID NA MERCEDES BENZ, VIRAL SA TIKTOK
Viral ngayon ang TikTok video ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gabriella Bektas kung saan ay ipine-flex niya ang kanyang biniling brand new luxury car.
Sa nasabing video ay nakasakay si Lorin sa kanyang brand new Mercedes Benz GLA250 habang nagme-make-up at ibinalita nga niyang ito ang first car niya na kabibili lang.
“Just got to school and I wanted to do a little touch of make-up moment while giving you guys this huge life update that I did, in fact, buy my very first car at 20 years old,” simula ni Lorin.
Proud niyang sinabi na fully paid na ang sasakyan at take note, cash niya itong binayaran mula sa sarili niyang pera.
“It is fully paid for by me and I bought it in cash,” pagmamalaki ni Lorin.
Pagbabahagi pa ng dalaga ni Ruffa, last week lang niya binili ang sasakyan at nai-drive na niya ito.
Naikwento nga rin niya na matagal na niyang vision ang Mercedez Benz na sasakyan at akala nga niya ay imposibleng mangyari. Pero dahil sa hard work, prayer at manifestation ay nagawa niya.
“This is the biggest, most expensive thing I have ever bought myself and it was definitely scary decision to make, signing all those papers and all that money away, but I really believe it’s a really good investment for me. I’, happy with the car and I’m really proud of myself that I was able to do this,” sabi ni Lorin.
Sa comment section ay nag-comment ang ina niyang si Ruffa ng “love you.” Ang Tito Raymond Gutierrez naman niya ay nagsabing “proud of you.”
Maging ang lola ni Lorin na si Annabelle Rama ay proud na proud sa kanyang apo. Ni-repost niya sa Instagram ang TikTok video ni Lorin at aniya sa caption, “We are so proud of you @loringabriella keep it up.”
Nag-comment din dito si Ruffa at aniya, “Proud mom!!!”