Sheryl

Pag-entertain ni Sheryl sa apat na manliligaw may go signal ng anak

June 2, 2024 Vinia Vivar 130 views

Walang make-up si Sheryl Cruz nang dumalo sa grand opening ng Skinlandia Skin Care Clinic located sa SM City Fairview pero ang ganda-ganda at napaka-fresh looking pa rin niya.

Isa si Sheryl sa mga aktres natin na tila hindi tumatanda dahil marunong din naman kasi siyang mag-alaga ng kanyang sarili. Kaya nga perfect din siyang maging ambassador ng Skinlandia.

“I guess, it’s not because I want to be eternally young or youthful. It’s just that first, alam natin na ito talaga ang bread and butter naming mga artista, ‘yung buong package namin. And at the same time, at my age, I would really love to age gracefully,” aniya nang makatsikahan namin siya sa nasabing event.

“And since you know na I’m still in the process of like, you know, not seeking out for another relationship but having more friends and if the event happens that I do have another relationship, ‘di ba, of course, I want that person to feel confident na kasama ako,” dagdag niya.

Speaking of relationship, natanong nga ang aktres tungkol sa kanyang love life ngayon and she revealed na may apat na suitors siya pero puro taga-ibang bansa.

Ini-entertain naman daw niya ang apat with the permission of her daughter.

“With the permission of my daughter, I do communicate with them,” aniya.

Asked kung kasama ba rito sa apat ang guy na nakitang kasama niya sa Turkey kamakailan, sey ng aktres, “Hindi ko naman dine-deny.”

Dagdag niya, “But then, you know what? It’s so difficult for me to have another whirlwind romance because I’m not at that age anymore na 20s ako or 25 because, you know, pagka ganu’n ka kabata, you have a second chance.”

Sa rami raw ng mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay, ayaw na niya itong pagdaanan pang muli kaya naman she’s taking her time.

“First of all, they have to be really responsible. I’m not looking for somebody who looks like a model. I want somebody whom I can depend on and somebody na I can work in partnership with.

“Because ayoko ‘yung parang nagkakaroon kami ng paligsahan pagdating sa aming mga career. Kasi do’n kami usually hindi nagkakatugma,” sey ni Sheryl.

Anyway, natanong din sa aktres ang tungkol sa pagkaka-reveal niya sa show ni Boy Abunda na na-engage sila ni Anjo Yllana dati pero hindi ito natuloy sa kasal dahil may nabuntis ang aktor na ibang babae.

“Nagpapakatooo lang naman, ‘di ba? Because natanong. Hindi naman kasi ako ‘yung tao na parang I would keep it lalo na kung nangyari naman,” paliwanag niya.

Pero friends sila ni Anjo ngayon and it’s all in the past na raw.

Anyway, Sheryl has just signed a contract with Skinlandia at thankful siya na mayroon nang skin clinic na mag-aalaga sa kanya.

AUTHOR PROFILE