Delima

Pag-abswelto kay de Lima di rason para PH makipagtulungan sa ICC — PBBM

June 27, 2024 Chona Yu 77 views

PATUNAY na gumagana ang hudikatura sa bansa nang ibasura ng korte ang ikatlo at huling drug case ni dating Senador Leila de Lima.

Sa ambush interview sa Manila, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ito rin ang dahilan kung kaya hindi mababago ang posisyon ng Pilipinas na tuluyan nang hindi makipagtulungan sa International Criminal Court.

“Maybe this is something we should show the ICC. The Judiciary is working properly. Our investigative services are working properly and former Senator de Lima has been acquitted. I don’t know what further comments there could be. Dumaan siya sa paghusga, na-acquit siya,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, sakali mang magpasya si de Lima na makipagtulungan sa ICC, sariling desisyon na niya ito.

“But that’s between her and the ICC. We still stay with our position that the ICC had no jurisdiction in the Philippines because we have a working police force, we have a working judiciary and do not require any assistance in that regard,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pitong taong nakulong si de Lima dahil sa umano’y pagtanggap ng drug money mula sa mga nakakulong na drug lord sa National Bilibid Prison.

Isa si de Lima sa mahigpit na naging kritiko sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

AUTHOR PROFILE