Magi

Paalala sa Komunistang Tsina: Ang panlilinlang ay para sa kaaway lamang

July 13, 2024 Magi Gunigundo 535 views

Ang malaking kalaban ng katotohanan ay kadalasan hindi ang kasinungalingan – sinadya, gawa-gawa at di-matapat – ngunit ang alamat – nagpupumilit, nanghihimok, at walang katotohanan.-John F. Kennedy (1962)

KASALUKUYANG pinaglilibangan ng sambayanan ang pagsisiyasat ng Senado sa POGO at sa mayor na lumaki sa “farm”. Pumapangalawa ang umiigting na sigalot sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng ating hukbong dagat at ng Komunistang Tsina. Marahil, sa kagustuhan na mapigil ang galit ng taong bayan sa bansang pinanggalingan ng kanilang ninuno, may mga Tsinoy (ang apelyido ay may isang pantig lang) na binuhay sa social media ang retorikang linya na kapayapaan ang hangad ng Komunistang Tsina naisang bansang walang dugo sa mga kamay nito sapagkat hindikailanman sumalakay at nanakop ng ibang bansa o nakibahagi sakahaliling digmaan. Hindi tayo dapat magpaloko sa panlilinlang naito.

Malaking kasinungalingan ang retorikang linya ng KomunistangTsina na walang dugo ang mga kamay nito sa pananakop. Sa katunayan, sinakop ng Komunistang Tsina ang Tibet at pinatalsik ang Dalai Lama nito. Nakipagdigma sila sa Vietnam noon 1979 at naulit ito ng ilang beses dahil sa selos sa dating Soviet Russia. Noong sinaunang panahon, sinakop din ng Gitnang Kaharian (Tsina) ang Korea (Joseon ang tawag sa bansa sa mga “historical” K-drama). Nakidigma din sila sa India noon 1962. At agresibo silang (People’sLiberation Volunteers) sumama sa paglusob ng mga taga-HilagangKorea sa Timog Korea sa Korean War. Sinuportahan rin nila ang mamamatay taong si Pol Pot ng Khmer Rouge sa “genocide” ng mga Cambodians. Naghahanda rin silang lusubin ang Taiwan na tinuturing nilang teritoryo.

Ikinalat rin ng mga mahalagang hangal ng nakaraang administrasyon ang naratibo na walang kalaban-laban ang Pilipinas sa laki ng hukbo at dami ng gamit pang digmaan ng Komunistang Tsina, kaya hindi natin sila dapat awayin at dapat ihingi ng paumanhin ang pagrereklamo ng administrasyong Aquino sa UNCLOS sapagkamkam ng WPS. Isa rin itong panlilinlang.

Maraming tagumpay sa labanan ang napunta sa maliit na puwersa laban sa nakakalamang na laki ng puwersa ng kalaban dahil ginamit ng una ang higit na kaalaman sa teritoryo at tusong diskarteng pag-atake at pagtatanggol ng hanay. Kapansin-pansin ang labanan sa Morgarten ng kakaunting Swiso (1,500 sundalo) at ng Austria( 8,000 sundalo) noon Nobyiembre 1315, ang labanan sa Salamis (480 BC) sa pagitan ng maliit na hukbong dagat ng mga Griyego na ginamit ang mga maliit na bangka na mabibilis at madaling imaniobra (katatalo pa lang ng Spartan 300 sa Thermophlae) at taga-Persia nag umamit ng malalaking barko. Nadaig ni Ho Chi Minh at ng Vietcongang France sa Labanan ng Dien Bien Phu (1954) at natalo rin nila ang Amerika noon 1972.

Mayroon din “assymetric warfare” ng dehadong puwersa nabinubuo ng kakaibang taktika tulad ng guerilla warfare, sabotahe, cyberwarfare, at economic warfare. Ang tagumpay sa digmaan ay hindi palaging napupunta sa mas malaking puwersa militar ngunit lingid ito sa kaalaman ng mga pulpol na pulitiko at kanilang kulto nahumahalik sa talampakan ng Komunistang Tsina.

Sinulat ni Sun Tzu sa Art of War na ang panlilinlang ang batayan ng lahat ng digmaan. Si People’s Liberation ArmySenior Colonel Ma Jun, ay nagsabi na “Ang digmaan ay tiyak na digmaan. Ang digmaan ay tiyak na labanan hanggang kamatayan (literal na: ‘mamatay ang kaaway at ng mabuhay ako’). Walang puwang ang moralidad sa larangang ng digmaan.”Ang panlilinlang ay ginagamit lamang sa mga kalaban at hindi kailanman laban sa mga kaibigan at kasamahan (Deception Is the Chinese Way of War, Commander Mark Metcalf, U.S. Navy (Retired) February 2017).

Kung ikukumpara sa Komunistang Tsina, sigurado na walang dugo ang kamay ng Pilipinas sa pananakop ng ibang bansa sapagkat pala-kaibigan ang mga Pilipino sa dayuhan at walang ambisyon manakop ng ibang lupain. Paalala sa Komunistang Tsina: Ang panlilinlang ay para sa kaaway lamang, maliban

AUTHOR PROFILE