Default Thumbnail

P500K na shabu nasamsam sa 2 suspek na tulak

April 27, 2025 Gil Aman 102 views

UMAABOT sa mahigit P500,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang pinaghihinalaang tulak ng droga noong Linggo sa Binan City, Laguna.

Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas Eduardo at Rosalinda.

Nahuli ang dalawa sa buy-bust sa Purok 2, Brgy. Ganado, Binan City dakong alas-12:05 ng madaling araw.

Tinatayang 66.4 na gramo ng shabu na may standard price na P451,420 ang nabawi kay Eduardo samantalang 21 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P142,800 ang nakumpiska sa isa pang suspek.

Nasamsam din ang motorsiklo at noodle money na ginamit sa buy-bust mula sa dalawa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa illegal possession of drugs ang arestadong suspek na nakakulong sa Biñan police station.

AUTHOR PROFILE