
P340K shabu nasabat sa Binondo, Quiapo
UMAABOT sa P340,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Station 11 sa isang bebot sa Binondo at Quiapo, Maynila noong Miyerkules.
Natimbog din ng mga pulis ng MPD station 14 ang isang 37- anyos na lalaki na may dalang baril at 25 gramo ng shabu sa operasyon sa Norzagaray St., Quezon Blvd., Quiapo, Maynila noong Biyernes.
Ayon kay Police Lt. Colonel Roberto Mupas, commander ng MPD-Binondo Police Station 11, bandang alas-1:45 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust sa Delpan St., corner Lara St., Binondo, Maynila.
Narekober ang 50 gramo ng shabu mula sa mga suspek na sina alyas Elay, 32, alyas Pedro, 37, at alyas Master.