BBM Naghatid si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Presidential assistance sa mga magsasaka, mangingisda, at kanilang mga pamilya sa San Jose de Buenavista, Antique , ika-27 ng Hunyo 2024.

P288M ayuda ibinuhos ni PBBM sa W. Visayas

June 27, 2024 Chona Yu 63 views

AABOT sa P288 milyong ayuda sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng El Nino ang ibinuhos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Western Visayas.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa San Jose de Buenavista, Antique, binigyan ni Pangulong Marcos ng tig P10,000 ang piling 50 benepisyaryo mula sa Antique, Iloilo, Guimaras, Capiz at Aklan.

Namahagi rin si Pangulong Marcos ng farm machineries at equipment.

Namigay naman ng tig-limang kilong bigas si House Speaker Martin Romualdez sa mga benepisyaryo.

Binigyan din ni Pangulong Marcos ng tig-P50 milyon ang provincial governments ng Antique, Iloilo, Capiz, Aklan habang nasa P28 milyon naman ang ibinigay sa Guimaras.

“Magtiwala po kayo na sisikapin naming maabot ang ating mga liblib na pamayanan sa bawat sulok ng bansa nang sa gayon ay walang maiiwanan at mawalang mahuhuli, at sama-sama tayong maglalakbay patungo sa Bagong Pilipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Namahagi rin ng iba pang tulong ang Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, Department of Labor and Employment at iba pang ahensya ng gobyerno.

AUTHOR PROFILE