
P2.5B new NBI building ginagawa na
SIMULA na ang construction ng bagong main building ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taft Avenue sa Maynila noong Sabado na nagkakahalaga ng P2.5 bilyon.
Dumalo sa groundbreaking sina NBI Director Medardo De Lemos, Sens. Imee Marcos at Aquilino Pimentel, Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan at ex-Chief Justice Reynato Puno.
Nagkakahalaga ng P434,306,886.56 ang main building habang nagkakahalaga ng P2.5 bilyon ang proposed building project kasama ang site development. Matatapos ang building sa loob ng tatlong taon.
Aabot ng 12 palapag ang bagong NBI main office na hahatiin sa tatlong towers. May roof deck at helipad na may lawak na 49,644.00 sq.m., multi-level parking, dormitoryo para sa mga pansamantalang ahente at empleyado, gymnasium at shooting range.
Noong 2019, idineklarang unfit na ang NBI building matapos na maapektuhan ng 6.1 magnitude na lindol noong Abril 2019.