Isabela

P18B Isabela solar farm pagtupad sa pangarap na renewable energy–PBBM

June 10, 2024 Chona Yu 125 views

ILAGAN, Isabela–Pagtupad sa pangarap ng bansa na magkaroon ng renewable energy ang konstruksyon ng 440-megawatt (MW) solar farm sa Ilagan City, Isabela, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa signing ng Connection Agreement for the Isabela Ground Mounted Solar Project.

Nagkakahalaga ng P18 billion, ayon sa Pangulo oras na matapos ang proyekto magkakaroon na ng sustainable energy at lalakas ang ekonomiya ng bansa.

“This project is not only about transforming the energy landscape in Isabela; it is about strengthening our entire national grid [and] moving us closer to a resilient and renewable energy-secure future,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nabatid na ang San Ignacio Energy Resources Development Corp. (SIERDC) at National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), katuwang ang French-owned Total Energies ang magbibigay ng financial at technical expertise sa proyekto.

Ang SIERDC bahagi ng Nextnorth Energy Group na gumagawa ng solar at hydro projects sa Northern Luzon.

Inaasahang magiging operational ang proyekto sa 392 ektaryang lupa sa Ilagan at munisipalidad ng Gamub sa 4th quarter ng 2024 hanggang 2026.

Ayon sa Pangulo, nasa 4,000 na manggagawa ang mabibigyan ng trabaho ng solar project.

“Indeed, renewable energy is a crucial step for a country and a world grappling against climate change,” pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE