BOC

P14.8M halaga ng iligal na droga nasabat ng BOC

April 4, 2024 People's Tonight 81 views

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P14.8 milyong halaga ng iligal na droga na tinangkang ipuslit sa bansa.

Ayon sa BOC-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) idinaan ang iligal na droga sa Central Mail Exchange Center (CMEC).

Dumating umano ang shipment noong Enero 19, 2024 at nanggaling sa Wilmington, California, USA. Idineklarang “hardware” ang laman nito.

Nang buksan ay nakuha sa loob ang 2,452 gramo ng cocaine na itinago sa loob ng mga black bolt. Nagkakahalaga ito ng P12.995 milyon.

Naharang din sa CMEC ang anim na parcel na idineklara namang mga personal items. Nakuha sa loob ang 1,307 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.829 milyon.

Inihahanda na ang mga kaso laban sa mga consignee ng mga parcel dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.

Pinuri ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang mga tauhan ng ahensya sa kanilang maigting na kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

“The bureau is implementing robust measures in safeguarding our borders, especially in the infiltration of illegal drugs into our communities, through diligent surveillance, advanced technology, and collaboration with other law enforcement agencies,” ani Commissioner Rubio.

AUTHOR PROFILE