
P11M na mga pekeng produkto, timbog!
HINDI lingid sa kaalaman ng publiko na nagkalat sa merkado ang mga counterfeit o pekeng produkto na galing sa labas ng bansa.
Mahirap talagang patigilin ang pagdating ng mga pekeng produktong ito mula sa ibang bansa dahil sa kulang sa tao ang gobyerno.
Maraming islang puwedeng pagdaungan ng mga barkong may lulang mga kontrabando na kagaya ng mga pekeng sapatos, relo at damit.
Mabuti naman at lalong pinapaigting ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang intelligene gathering capability para matukoy kung saan dinadala ang mga kontrabando.
Kamakailan nga ay nakasakote ang mga tauhan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng counterfeit goods na nagkakahalaga ng P11 bilyon.
Ang mga pekeng produkto, na kinabibilangan ng Gucci, Chanel at Louis Vuitton at Dior, ay nakaimbak sa distrito ng Binondo sa Maynila.
Nabigo ang mga may-ari ng mga kumpiskadong produkto na magprisinta ng katibayang ipinagbayad nila ng buwis at taripa ang mga.
Dahil mga peke, sisirain ng mga taga-BOC ang mga ito kagaya ng isinasaad ng ating mga batas ng Customs Modernization and Tariff Act.
“We will not tolerate any form of counterfeiting,” ayon kay Deputy Commissioner (Depcom) Juvymax R. Uy ng Intelligence Group (IG).
Ang pagkakasakote sa mga pekeng produkto sa Binondo, Manila “is a clear message to counterfeiters.”
Determinado ang ahensiyang pinamumunuan ni Commissioner Bievenido Y. Rubio na protektahan ang interests ng mga consumers.
Hindi lang yan. Talagang committed ang ahensiya na protektahan ang kapakanan ng mga lehitimong manufacturers.
Dahil sa kahirapan ay marami pa ring namimili ng mga counterfeit goods dahil mas mura ang mga ito kumpara sa genuine products.
Ang hindi alam ng marami ay delikado ang pagbili ng mga pekeng goods dahil baka naglalaman ang mga ito ng hazardous substances.
***
Iniimbestigahan ng Intelligence Group (IG) ng Bureau of Customs (BOC) ang napabalitang recycling ng mga nahuling vape products.
Ayon sa report, ipinagbibili daw sa merkado ang mga vape products na nakumpiska ng mga otoridad kamakailan.
Iniutos ni BOC Chief Bienvenido Y Rubio kay Depcom Juvymax R. Uy na alamin din kung sinu-sino ang mga sangkot dito.
Dapat linggo-linggo silang magsumite ng updates sa imbestigasyon. Pero kailangang tapusin ang probe sa loob ng isang buwan.
Naniniwala tayo na lalabas ang katotohanan pagkatapos ng imbestigasyon ni Depcom Uy.
Hindi ba, Sir Juvymax?
***
Unang araw ngayon ng buwan ng Mayo.
Ang ibig sabihin nito, isang buwan na lang at magsisimula ang Christmas Season sa ating bansa.
Huwag nating kalimutan na ang Pilipinas ang may pinakamahabang holiday season sa buong mundo.
Ito ay nagsisimula ng September, ang una sa apat na “ber months” ng taon.
Sa totoo lang, ito ang pinakamasayang selebrasyon sa Pilipinas, ang tinaguriang “only Christian country in this part of the world.
Dala ng mga paring Katoliko ang Kristiyanismo sa Pilipinas nang ma-discover ni Ferdinand Magellan ang bansa noong March 16, 1521.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)