Holdup Source: FB file photo

P1.3M natangay ng 2 holdaper mula warehouse

June 26, 2024 Gil Aman 80 views

NATANGAY ng dalawang armadong magnanakaw ang P1.3 milyong cash mula sa J & T Warehouse kung saan ikinulong nila sa comfort room ang supervisor at tatlo pang katrabaho Linggo ng gabi sa Bgy. Tagapo, Sta Rosa City, Laguna.

Ayon sa naantalang ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 8 p.m. sa warehouse na nasa 910 Presentacio St.

Base sa report ng mga biktima sa pulisya na si Wyndel Canaman Polintan, 26, supervisor, at ang tatlo pang iba, dumating ang dalawang armadong suspek na magkaangkas sakay ng Yamaha NMAX.

Sinabi ng mga biktima na may taas 5’6 , 5’7 talampakan ang mga suspek na nakasuot ng itim ng jacket.

Dagdag pa ng mga biktima na tinutukan sila ng baril at pilit ipinasok sa comfort room. Sapilitang kinuha ng mga suspek ang susi ng vault saka kinulimbat ang laman na nagkakahala ng P1,300,000 at tumakas.

AUTHOR PROFILE