Default Thumbnail

Oplan Biyaheng Ayos inilunsad

December 27, 2021 Jun I. Legaspi 434 views

INILUNSAD ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), kasama ng joint venture (JV) partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA) at operating arm na PEA Tollway Corporation (PEATC), ang Oplan Biyaheng Ayos para sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista ngayong holiday season sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).

Inaasahan ng CIC ang 7% dagdag sa bilang ng mga sasakyang bibiyahe mula Disyembre 23, 2021 hanggang January 4, 2022, kasunod ng pagluwag ng gobyerno ng mga travel restrictions. Ayon sa CIC, bagamat may inaantabayanang dagdag bilang ng mga motorista, sinisiguro nitong mananatiling ligtas, maayos at maginhawa ang pagbiyahe ng mga ito sa CAVITEX.

“Inaasahan namin ang pagdami ng mga motoristang bibiyahe ngayong holiday season, lalo na ngayong may pagluluwag ng travel restrictions ang ating gobyerno. Kaakibat ng aming mga congestion management measures, pansamantala ding ihihinto ang mga roadworks sa CAVITEX mula December 23-25 at December 31-January 2 ng taong 2022 para masiguro ang tuloy-tuloy na pagbiyahe ng aming mga motorista” ani, Mr. Roberto V. Bontia, President at General Manager ng Cavitex Infrastructure Corporation.

Ang CAVITEX ay magkakaroon ng mas pina-igting na 24/7 motorists assistance ngayong holiday season. Kabilang dito ang pagdadagdag ng manpower para sa traffic, security, toll collection, atbp. Nakipagugnayan na rin ang pamunuan ng CAVITEX sa mga lokal na pamahalaan para sa maayos na pagdaloy ng trapiko sa mga entry at exits nito.

Patuloy na magiging bukas para magserbisyo 24/7 ang RFID reloading at installation sites sa kahabaan ng expressway. Ito ay bilang pagbibigay serbisyo sa mga regular at seasonal na mga biyahero na kinakailangang magreload o di kaya’y nagnanais magpainstall ng RFID para sa mas maginhawang pagbyahe sa expressway.

Gayundin, magkakaroon ng libreng towing service ang CAVITEX para sa Class 1 vehicles (tungo sa nearest exit) simula 6 am ng December 24 hanggang 6 am ng December 27, 2021, at mula 6 am ng January 1 hanggang 6 am ng January 3, 2022.

Ani PRA CEO and GM Atty Janilo Rubiato “Our operations arm, PEATC along with CIC continue to remind motorists to comply with the road safety laws such as Anti-Drunk and Drugged Driving Act and Seat Belts Use Act; and follow government’s minimum health protocols to avoid COVID-19 transmission and its occurring variants.”

Noong nakaraang taon, naitala ang highest average daily traffic (ADT) sa CAVITEX na may bilang 142,700 na sasakyan na bumaybay sa kahabaan ng expressway.

Ang MPTC ay ang pinakamalaking tollway builder at operator sa Pilipinas. Bukod sa CALAX, hawak rin nito ang concession rights para sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), CAVITEX C5 Link, North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.

AUTHOR PROFILE