Kathniel

Ogie kina Kathryn, Daniel at Andrea: ’Wag kayong mag-alala, ’di ko kayo ia-unfollow

November 22, 2023 Vinia Vivar 426 views

Kahit kinuyog si Ogie Diaz ng fans nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla at katakut-takot na pangba-bash ang inabot niya, walang-wala siyang galit at naiintindihan niya ang damdamin sa mga ito.

Sala-salabat na nga ang isyu na umabot na sa follow-unfollow ng mga close sa KathNiel tulad na lang ng nadawit na si Andrea Brillantes na nag-unfollow kay Kathryn and vice-versa.

Nariyan din si Miles Ocampo na nag-unfollow kay Andrea at si Direk Cathy Garcia-Molina, na balitang nag-unfollow naman kay Daniel.

Maging si Ogie, nag-post sa Facebook ng take niya sa mga kaganapang “unfollow” lately.

Aniya, “Grabe na ‘yung isyu ng follow-unfollow. Dahil maraming nagmamahal kay Kathryn Bernardo, bilang pakikisama, ayun, pinag-a-unfollow nila si Andrea Brillantes.

“Anyway, wag kayong mag-alala, Kathryn, DJ at Blythe. Kahit di n’yo ako pina-follow sa instagram ko (@ogie_diaz), hindi ko kayo ia-unfollow,” biro niya.

“Nakaka-tense na sa mga panahon ngayon na mababalita kung ina-unfollow mo ang isang tao.

“Eh, paano nga kung i-unfollow ko ‘yang tatlong bagets na ‘yan tapos hindi naman maibalita o ma-viral na ‘Ogie Diaz, in-unfollow na sina KathNiel at Andrea!’

“Ako pa napahiya, ‘di ba? Kaya ayoko nang mag-dare mag-unfollow. Baka sabihin, isa’t kalahating inggitera lang ako.

Pero ano nga kaya kung i-deactivate ko yung IG ko? Ma-viral na kaya?” naughty na tanong ni Ogie.

Matatandaan kasi na siya ang isa sa mga unang nagbalita sa kanyang vlog ng tungkol sa breakup ng KathNiel.

In fairness naman kay Ogie, sinabi niya na hindi ito kumpirmado’t may nagsabi lang sa kanya.

Pero dahil dito, grabeng pangba-bash na ang inabot niya mula sa fans at ang iba’y personal na ang atake sa kanya.

Sa mediacon ng pelikulang In His Mother’s Eyes kung saan ay isa sa cast si Ogie, natanong namin kung nasaktan ba siya sa bashings na natanggap niya.

“Hindi ako na-hurt. Tayo, mga reporter tayo, talagang bahagi ‘yan ng pinasok nating trabaho na may mga tao na hindi mapi-please sa ginagawa natin, sa mga binabalita natin.

“So, ‘yan, normal lang ‘yan. Ang hindi normal, nagbalita ka na nga, hindi ka napansin, hindi ka na relevant,” aniya.

Ganunpaman, humingi siya ng dispensa sa mga taong nasaktan at na-offend.

“Nag-sorry ako sa mga na-offend namin sa balita namin. ‘Yung mga hindi nakagusto ng balita namin, sorry. Hindi nila nagustuhan, eh, di sorry,” he said.

Asked kung nag-reach out ba si Daniel o si Kathryn sa kanya tungkol dito, aniya, hindi at open siya anytime na ibigay ng mga ito ang panig nila.

Aniya, siya man ay nagwi-wish na hindi totoong break na ang KathNiel.

Samantala, handpicked ng producer na si Flor Santos si Ogie para makasama sa In His Mother’s Eyes.

“Sobrang saya ko nu’ng nagkaroon ng Ogie Diaz. Isang text lang yata, isang tawagan, walang effort,” sey ni Mommy Flor.

Showing na ang In His Mother’s Eyes sa mga sinehan sa Nov. 29 mula sa direksyon ni FM Reyes. Kasama ni Ogie sa pelikulang ito sina Maricel Soriano, Roderick Paulate, LA Santos at marami pang iba para sa 7K Entertainment.

CHRISTMAS WISH

Ngayong Kapaskuhan, wala nang ibang hihilingin pang Christmas gift si Beauty Gonzalez kundi ang magandang resulta sa box office ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2023.

Isa sa official entries ang horror film na (K)ampon na pinagbibidahan nila ni Derek Ramsay.

“In terms of MMFF, 10 kaming lumalaban ngayon, so I really wish from the bottom of my heart, lahat ng santo ko sa bahay at mga rebulto ko, na sana po, suportahan n’yo ang lahat ng pelikulang Pilipino,” sey ni Beauty sa mediacon ng Stolen Life.

“It’s a tough game,” pag-amin niya. “It’s very tough and we all know na sa first and second day, ‘pag hindi na kumita, tatanggalin na ‘yung pelikula mo.

“So, from the bottom of my heart, ‘yun lang talaga ang wish ko ‘coz I have everything naman na all I want, eh. I only want simple things, eh. And para sa akin is sana,

masuportahan (ang MMFF films) at maibangon ulit natn ang pelikulang Pilipino ‘coz ang gaganda ng mga offering natin ngayong Pasko,” she said.

First MMFF movie ni Beauty ang (K)ampon kaya naman super excited siya about it.

AUTHOR PROFILE