DMW

OFWs tutulungang makahanap ng alternatibong pagkakakitaan

June 7, 2024 Cory Martinez 122 views

PUMIRMA sa memorandum of understanding ang Department of Agriculture at Department of Migrant Workers (DMW para matulungan ang milyun-milyong overseas Filipino workers (OFWs) na makahanap ng alternatibong pagkakakitaan, partikular na sa larangan ng agrikultura at agro-enterprises.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., buo ang pangako ng ahensya at mga attached bureau at agency nito na i-promote ang mga programa, proyekto at aktibidad para makahikayat pa ng maraming agriprenuers.

“Nangangako kami na magbibigay ng technical assistance, agri-loan at credit services, agribusiness training, market linkage at information material.

Ang aming pagsisikap mapapatibay pa sa pamamagitan ng tulong ng DMW upang matiyak ang matagumpay na implementasyon ng kasunduan na ito,” ani ni Tiu Laurel.

Umaabot sa mahigit 1/10 ng populasyon ng Pilipinas ang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Umaabot sa bilyong piso ang foreign exchange ang naiuuwi ng mga ito na sumusuporta sa panggastos ng mga konsumer at sa ekonomiya ng bansa.

“We strive to honor the sacrifices and hard work of our OFWs by providing them with viable job opportunities in the country. Ultimately, we hope to see our OFWs prosper in Philippine agriculture and agribusiness,” dagdag pa ni Tiu Laurel.

Dahil sa four-year master plan na gawing makabago ang agrikultura sa bansa, inaasahang mabibigyan ng sapat na kita ang mga mamumuhunan sa farming ventures at agribusiness.

Noong nakaraang taon, umaabot sa mahigit $1 bilyon o mahigit sa P660 bilyon ang naitalang trade deficit sa produktong agrikultura.

Nakikita naman ni Tiu Laurel na malaki ang merkado na naghihintay para sa mga agripreneurs at mamumuhunan sa agrikultura dahil sa lumalaking demand sanhi ng lumalaking populasyon at dumaraming turista na dumarating sa bansa.

AUTHOR PROFILE