Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (kaliwa) si US Secretary of Defense Pete Hegseth. Inihayag ni Claire Castro ng PCO ang tagumpay na pag sagip sa mga OFWs sa Myanmar habang malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (kaliwa) si US Secretary of Defense Pete Hegseth.

OFWs sa Myanmar nasagip ng govt

March 31, 2025 Jonjon Reyes 118 views

NASAGIP ng gobyerno ang mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa human trafficking sa Myanmar, ayon kay Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro.

Ang Department of Foreign Affairs ang nagpauwi sa may 178 na mga OFWs na Pilipinong nabiktima ng human trafficking katulong ang Department of Migrant Workers at iba pang ahensiya at embahada ng Pilipinas.

Nagpaalaala ang DFA na iwasan ang ilegal na pag alis ng bansa at dumaan lamang sa tamang deployment procedures.

Samantala, nag-courtesy call ang Defense Secretary ng Estados Unidos na si Pete Hegseth kay President Bongbong Marcos sa Palasyo para sa makabuluhang talakayan tungkol sa pagpapalakas ng ugnayang panseguridad ng Pilipinas at US.

Sa pulong, muling pinagtibay ni PBBM ang matagal na alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

AUTHOR PROFILE