Default Thumbnail

Obrero, holduper shoot sa selda

July 22, 2023 Jonjon Reyes 574 views

INARESTO at nakakulong na ang isang wanted na construction worker matapos malambat ng pulis sa Luzon Avenue, Quezon City noong Biyernes ng hapon.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness si ‘Bimboy,’ 30, construction worker ng Barangay Santol, Quezon City.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Delight Aissa Salvador ng Regional Trial Court Branch 29 ng Maynila.

Sa Tondo, naaresto naman si John Ruel Terre 20, binata, ng 302 Paganapin St,. Barangay 31, Zone 3, District 1 Tondo, Manila dahil sa pagnanakaw ng cellphone.

Lubos naman ang pasasalamat ng biktima sa mga barangay official na tumulong sa kanya at nabawi sa suspek ang kanyang Vivo YO 25 cellular phone na nagkakahalagang P7,500.

AUTHOR PROFILE