
Oathtaking ng bagong Advisory Council ng MPD Station 7
Kamakailan ay nagdaos si PLTCol. Harry Lorenzo, hepe ng Jose Abad Santos Manila Police District (MPD) Station 7, ng isang panunumpa o oathtaking ng mga bagong miyembro ng Station Advisory Council.
Kasama sa oathtaking ay sina Councilor Macky Lacson at Darwin “Awi” Sia ng District 2 Manila. Kasabay nito inahalal bilang station advisory council naman si Chairman Teresita Panlilio at vice-chairman ay si Karmela May Miranda. Naging miyembro na sina Johan Sim, Ferdinan Chua, Valiant Chua, John Christopher Sy at Dale Evangelista
Sila ang mga bumubuo ng bagong Advisory Council ng MPD Station 7, at ang kanilang advocacy ay makipagtulungan sa kapulisan para malabanan ang Delta variant ng COVID-19 ngayong panahon ng ECQ, kung saan kabilang ito sa programa ng nasabing station.
Ang layunin ni Lorenzo ay paigtingin at ipatupad ang health protocols ng IATF ayon sa kautusan ni PBGEN. Leo M. Francisco, hepe ng MPD, at ayusin ang kanyang area of responsibility partikular sa Tondo at Abad Santos sa Lungsod ng Maynila.
Kailangan laging malinis, maayos at tahimik ang kanilang lugar. Ito ang tagubilin ni Francisco sa lahat ng kapulisan ng station 7 na nasasakupan naman ng District 2 ng Maynila.
Sinabi naman nina Sia at Lacson na susuportahan nila sina Francisco at Lorenzo sa Policy Council ng Lungsod ng Maynila sa abot ng kanilang makakaya.
Dagdag pa ni Francisco na “safer place to live in and to do business in Manila.” Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES