Aksidente KAWAWA–Halos basag ang ulo ng biktimang nursing aide ng tumilapon sa motorsiklong minamaneho.

Nursing aide sumalpok ang motorsiklo, tigok

March 18, 2024 Gil Aman 195 views

PATAY ang 33-anyos na nursing aide na lasing umano ng tumilapon sa motorsiklong minamaneho dahil sa aksidente noong Linggo sa Brgy. Tavera, Pakil, Laguna.

Sa ulat ni P/Major Marjon Fernandez, hepe ng Pakil police, kay Laguna Police Provincial Office director P/Col. Gauvin Mel Unos, nabagok ang ulo ng biktimang si Kevin Cagayutan ng mag-slide ang motor niya dahil sa tulin ng takbo.

Idineklarang dead-on-arrival sa Gen. Cailles Hospital ang biktima dahil sa malubhang head injuries sa pagsalpok sa gutter ng highway.

Ayon sa traffic police, dakong alas-5:55 ng hapon habang pauwi sa Pakil, Laguna ng hindi inaasahang nag-slide ang goma ng Mio Sporty ng biktima.

Tumilapon ang katawan ng nasawi na unang bumagok ang ulo sa semento. Galing sa birthday party ang nasawi at nakainom ng alak ng maaksidente.

AUTHOR PROFILE