Nuclear

Nuclear energy

May 21, 2023 People's Tonight 201 views

KAGAYA ng ibang developing countries sa mundo, talagang hindi nakapagtatakang atat na atat ang ating bansa na makahanap ng bagong alternative energy sources.

Huwag nating kalimutan na marami na ang mga dayuhang investor, kasama na ang mga may-ari ng mga pabrika, na lumayas sa bansa dahil sa energy situation sa Pilipinas.

Maliban sa napakataas na presyo ng kuryente sa Third World country na ito, nagkakaroon pa ng power outages tuwing panahon ng tag-init dahil sa kakulangan ng power supply.

Mabuti naman at bumuo na ang Marcos government ng isang inter-agency task force para i-review ang viability ng paggamit ng nuclear power bilang alternative source ng enerhiya.

Ito ang Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) na naglalayong ma-meet ng Pilipinas ang kanyang energy demand, ayon sa Department of Energy (DOE).

Gusto ng gobyerno na pag-aralang mabuti ng nasabing inter-agency committee ang pros and cons sa pag-tap ng nuclear energy bilang source of energy dahil “it entails risks.”

Sa isang media forum, sinabi ni DOE Undersecretary Alessandro Sales na nuclear energy ay isa sa “technologies that can react fast to the variability of renewable energy.”

Pero aminado si Undersecretary Sales na ang gobyerno “has yet to formulate a regulatory framework on its (nuclear energy) utilization as an alternative power source.”

Noong Mayo 2 ay nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng US-based Ultra Safe Nuclear Corp. (USNC), isang vertical integrator of nuclear technologies and services.

Sinabi ng mga taga-USNC na gusto nilang dalhin sa Pilipinas ang “clean and reliable nuclear energy and make the country ang kanilang nuclear hub sa Southeast Asia.”

Talagang panahon na para makahanap na tayo ng mga bagong alternative energy source para maiwasan natin ang posibleng crippling power crisis sa ating bansa.

AUTHOR PROFILE