
Nora Aunor synonymous with generosity
THE metaverse is flooded with all good things about Nora Aunor. Truly, she was phenomenal until her death.
Naglabasan muli ang Noranians para magbigay-pugay sa huling pagkakataon. Kitang-kita sa haba ng pila sa Heritage Park kung saan nakahimlay ang labi ng nag-iisang Superstar. Marami sa kanila ay may edad na at galing pa sa malalayong probinsiya pero balewala sa kanila ang pagod at init makita lang sa huling pagkakataon ang kanilang idolo. We have personally witnessed this as we also paid my last respect to Ate Guy last Saturday.
Tunay na pagmamahal ang ibinigay ng Superstar sa kanyang fans. Dahil lagi niyang inaalam kung okay sila, kumain na at kung may pamasahe sila. Kuwento ito mismo ng mga fans. Ganyan bigyang halaga ni Ate Guy ang kanyang fans. Dahil lagi niyang sinasabi na sila ang dahilan kung bakit may Nora Aunor. Sa katunayan, unang binanggit at binati ni Ate Guy ang kanyang mga fans sa kanyang speech nang gawaran siya ng Order of National Artist for Film and Broadcast Arts sa Cultural Center of the Philippines.
Mula noon hanggang sa huling hininga, hindi siya nagbago. Hindi siya nilamon ng kasikatan at kayamanan. I had the privilege of meeting her during my younger years. That was the height of her superstardom. I was introduced by entertainment columnist Chit Ramos to her at her famous Valencia home in Greenhills. At pinatuloy pa kami mismo sa kanyang kuwarto. Her intimidating popularity was overshadowed by her humility. Siya yung walang kaere-ere sa kabila ng kanyang kasikatan. Decades passed, we met again. And the warmth I felt when we first met was still the same. And those soulful eyes captured my heart. That’s why I am proud and forever a Noranian.
I don’t know if she ever read any of the countless articles I wrote about her in my column. But I never expected anything from her because that was my way of love and support. Now, I could not let this pass; thus, writing this piece as my personal tribute to a true legend who was selfless. Her generosity was beyond words.
Mabuti na lang at naparangalan siya bilang National Artist. Pangarap daw niya talaga ito dahil hindi na raw puproblemahin ang pagpapalibing sa kanya ng kanyang pamilya, ayon ito sa aktres na si Ruby Ruiz sa article ni Jerry Olea sa PEP.
“Para pag namatay ako, wala nang poproblemahin ang mga maiiwan ko,” sabi raw ni Ate Guy kay Ruiz.
Fittingly, she deserves the state funeral scheduled on April 22; for she is a national treasure.
Paalam, Ate Guy!
Disclaimer:
Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0966-883-2430 or email us at [email protected]