
Nominee ng ABP party list inambush sa Sampaloc, dedo

PATAY ang dating barangay chairman na isa sa nominees ng ABP Partylist ng tambangan sa panulukan ng Sta. Teresita at Pedro Guevarra Sts. sa Brgy. 435, Sampaloc, Manila noong Lunes.
Nakilala ang biktimang si Lenenski Bacod, 54, ex-barangay chairman sa naturang lugar
Sugatan naman sa binti ang isang miyembro ng District Tactical Mobile Unit ( DTMU) ng Quezon City Police District na si Jethro Realisa, 26, matapos makipagbarilan sa mga suspek na tumakas sakay ng motorsiklo.
Batay sa ulat ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District, bandang alas-5:45 ng hapon naganap ang insidente.
Ayon kay Police Captain James Dumangas Jr., hepe ng University Belt Area PCP, nagresponde sila sa lugar at nakita nilang sugatan ang nasabing pulis na nakipag-barilan sa mga suspek habang papatakas lulan ng motorsiklo matapos ang pananambang sa biktima.
Nakatayo umano ang biktima ng biglang sumulpot at malapitang pinagbabaril si Bacod.
Isinugod si Bacod at ang pulis sa UST Hospital kung saan namatay ang biktima dakong alas-6:45 ng gabi.