NGCP

NGCP di nagkulang

January 5, 2024 Edd Reyes 383 views

HINDI nagkulang ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kaniyang mandato magmula sa trasmission ng kuryente mula sa mga producer patungo sa mga grid-connection sa bansa.

Ayon sa pahayag ng NGCP bilang isang transmission service provider ay maari lamang silang magbigay ng overview ukol sa kasalukuyang supply at demand ng sitwasyon at maytiyak na maipagkaloob ang lahatposibleng suplai ng kuryente.

“We reiterate our earlier pronouncements that there was no transmission disturbance before the tripping of the PEDC Unit 1 (83MW) at 12:06PM. After this event, NGCP was able to recover the transmission system and normalize voltage. This normal voltage situation persisted until several power plants inexplicably tripped at 2:19PM. Data from our system shows no abnormality in voltage and system stability,” pahayag ng NGCP.

Tinukoy ni NGCP na sa kabila ng kritiko at paninisi sa kanila na ang katotohanan ang problema ay ang unplanned shutdowns ng power generators.

“It is alarming to hear policymakers immediately make conclusions based on assumptions contrary to fact. We are firm in our position that the system prior to the 2:19PM multiple tripping was normal, and our actions were undertaken within protocols. Any contrary statement is speculative,” giit ng NGCP.

Pinabulaanan din ng NGCP ang akusasayong na nabigo sila sa kanilang obligasyon na mapanatiling maayos ang transmission system.

Kasunod din ang pagpapsinungaling na hindi sila transparent sa publiko s apagbibigay ng impormasyon.

Tinukoy ng NGCP na regular silang nagbibigay ng impormasyon sa kanilang stakeholders kabilang na ang media a tang local goverbment units (LGU) sa pamamagitan ng print, radio, broadcast, social media at text blasts.

Hiniling ng NGCP sa mga mambabatas na imbes na manisi at gamitin pa ang ilang sektor ay mabuti pang maging patas ito sa paghahanap at pag-aalam ng katotohanan ukol sa insidente.

“This is not a time to push personal or political agendas, but a time for honest-to-goodness solution finding. We again reiterate our push for a comprehensive industry-wide approach to resolve the persistent power supply issues on Panay Island and elsewhere in the country,” dagdag sa pahayag ng NGCP.

Kaugnay nito tiniyak ng NGCP sa lahat ng kanilang stakeholders na agarang silang makikipagtulungan sa pamahalaan at lgud upang agarang masolusyunan ang problemang kanilang kinahaharap.

AUTHOR PROFILE