Dialysis

New dialysis center binisita ng MinOr gov

June 10, 2024 Jojo C. Magsombol 186 views

ININSPEKSYON ni Gov. Bonz Dolor kasama sina Provincial Engineer Edylou Tejido, Dr. Cielo Angela Ante at OMPH Chief of Hospital OIC Dr. Dante Nuestro ang mga bagong pasilidad ng ospital ng Oriental Mindoro Dialysis Center.

Kasama sa kanyang ininspeksyon ang bagong sectoral building sa sectoral complex sa Brgy. Sta. Isabel.

Libre ang dialysis sa ospital dahil sa PhilHealth o iba pang katuwang na programa ukol sa payment system na saklaw nito.

Kabilang din sa binisita ni Gov. Bonz ang katabing gusali na itinatayo sa kalahating ektaryang lupa ng pamahalaang panlalawigan para sa Boy Scouts of the Philippines.

AUTHOR PROFILE