Villanueva

‘NEVER, JOEL’

February 15, 2024 People's Tonight 371 views

House leader sa mga pahayag ng senador: We’ll never forget

HINDI malilimutan ng Kamara de Representates ang mga binitiwang pahayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva.

Matatandaan na ikinumpara ni Villanueva gamit ang pagtutulad sa ‘apple to oranges’ ng pagkakaiba ng mga senador na nakakakuha aniya ng hindi bababa sa 15 milyong boto sa elekyon, mula sa mga Kamara na mas kakaunti ang boto.

“Hindi tama ‘yung ginawa niyang pagmamaliit sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan. Hindi tama ‘yung sinabi nyang district representatives lang kayo, partylist lang kayo, at kami nationally elected kami,” sabi ni Suarez

“Hindi po tama ‘yun, especially where the bicameral system of the Legislative branch wherein were both co-equal … Ako ang motto ko na lang pagdating sa mga senador, ‘we will never forget,’” dagdag niya

Sabi ni Suarez na ilan sa miyembro ng Kamara de Representates ang nasaktan sa pahayag ni Villanueva kung saan ang iba ay inihayag ang pagkadismaya sa plenaryo sa kanilang malamang mga pribilehiyong talumpati.

Katunayan, una nang inihyag ni House Appropriations Committee chair Rep. Zaldy Co na ilang mambabatas ang pinagiisipang bawiin ang suporta kay Villanueva at nais pa siyang ideklara bilang “persona non grata.”

“Sinasabi nila, they have 15 million votes, sabi ni Sen. Joel. So be it kung ‘yun ang sa tingin niya. Pero alalahanin nya na ang Kongreso, ang mga congressman pagdating sa district, lagi nilang hinihingian ng tulong at darating ang araw hihingi siya (Villanueva) ng tulong,” sabi ni Co, na kinatawn ng Ako Bicol Partylist.

“At hindi ko ho alam sa ngayon sa mga sinabi niya ay tutulong pa ang mga congressman. And ang plano po namin, kung sino ang aming susuportahan at sino rin ang aming ide-declare na persona non grata na hindi susuportahan,” babala.

Ang mga binitiwang pahayag ni Villanueva ay tugon sa isinusulong na people’s initiative para amyendahan ng mahigpit na probisyon ng saligang batas na para sa senador ay itinutulak ng mga miyembro ng Kamara.

Tinuligsa ni Co ang mapag-mataas at mapagmapuring pahayag ni Villanueva na hindi naman masasabing malinis ang public service record.

“Unang una, si Senator Joel ho ay dati naman siyang partylist,” sabi ni Co

“Kilala naman ho natin si Senator Joel Villanueva kung sino siya eh. Siya ho ay perpetually disqualified sa na desisyunan ng Ombudsman,” wika pa nito.

2016 nang ipagutos ng noo’y Ombudsman Conchita Carpio Morales ang dismissal ni Villanueva sa Senado dahil sa paglipat ng P10 milyon ng kanyang PDAF bilang party-lit representative ng CIBAC sa isang pekeng NGO

AUTHOR PROFILE